Muling nagtagisan ng talino ang mga mag-aaral ng departamento ng kolehiyo sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 nitong Agosto 27 sa Di Francia Auditorium. Dala ang makabuluhang temang, “𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐀𝐈: 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧,” nakasentro ang programa sa isang masidhing debate na sumubok sa lalim ng paninindigan ng mga kalahok.
Matapos ang pormal na pagbubukas ng gawain at pagpapaliwanag ng mga pamantayan, agad na umarangkada ang tunggalian ng mga ideya. Nagharap ang mga kinatawan mula sa iba't ibang seksiyon mula sa ECE, BSA, THM, at BA. Walang kaba nilang inilatag ang kanilang mga argumento ukol sa epekto, limitasyon, at responsableng paggamit ng Artificial Intelligence, na nagpatunay na ang wikang Filipino ay isang mabisang midyum para sa mga teknikal na diskurso.
Sa pagtatapos ng maiinit na palitan ng katuwiran at masusing deliberasyon ng mga hurado, matagumpay na naiuwi ng seksyon ng 𝐁𝐀𝟑𝟎𝟏 ang titulo bilang kampeon ng debate. Bukod dito, itinanghal naman si 𝐀𝐥𝐲𝐬𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐚𝐧𝐢𝐚𝐬 bilang 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐝𝐞𝐛𝐚𝐭𝐞 matapos nitong ipamalas ang bukod-tanging husay sa paglalatag ng matitibay na punto at malinaw na pagbigkas.
Naging matagumpay ang kabuuan ng programa at nag-iwan ng mahalagang mensahe ukol sa tunay na papel ng teknolohiya sa ating kultura. Sa halip na ituring bilang banta, lumutang sa mga argumento na ang AI, kung gagamitin nang wasto at may pananagutan, ay may malaking potensyal na mas mapagyaman, mapalawak, at mapatibay ang paggamit ng wikang Filipino sa akademya at pananaliksik.
𝘚𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯. 𝘚𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘈𝘐 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯, 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺, 𝘺𝘶𝘮𝘢𝘣𝘰𝘯𝘨, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘩𝘦𝘯𝘦𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯.
✍️| John Zenith Cruz
📸| Mana Vine Acosta
🖼️| John Zenith Cruz
PUBLISHED
September 07, 2026
NEWS PHOTOS
27
Photos